Sa bawat paghigpit ng ilang hiblang sinulid,
Sa bawat buhol na pinagkakabit-kabit
Ni hindi maaninag and susunod na tahi
Kung hindi papakiramdaman ng mga daliri.
Sa ngalay na hatid ng pag-arok ko
Nang susunod na sundot ng aking pang-gantsilyo
Ni hindi ko batid ang matatapos na anyo
Sinusunod lamang, ang bugso ng pulso.
Mabining himulmol na siyang natatamo
Sa bawat galaw ng aguha’t kamay ko
At sa presilyang nakabuo ng hugis bulaklakin
Disenyo’ng ilang beses ko pang uulitin
Makirot ma’t mahapdi ang mga daliri
Batid kong paghinto’y hindi magiging madali.
Sapagka’t ang puso’y sabik na ‘di mawari
Sa blusang ginantsilyo nang buong pagtangi.
[September 16, 2012]
*Aguha – crochet hook
** Presilya – loop
——— Disclaimer: the following is a lousy attempt to translate the whole verse in english —-
Every tightened strands of thread
And every knot that i try to connect
I can merely perceive the next stitch
If not by the touch of my own fingertips
To the numbness and pain that it took
Of every next prick of my crochet hook
I’m not even sure of what the project will be
I just follow the pulse and the guts within me.
The lushness of the fabric that i can create
On every move of my hands that crochet
And every loop that forms a floral design
A pattern I would repeat a few more times
My wrist and fingers may sore and all
I would still not be able to stop and stall
Because I, myself, am a little bit excited
On the blouse I crocheted with love and jest.
nice crocheter's poem.